Christian. Bulletproof. Kitkat. Sleep. Eat. Random. Bipolar.


FOLLOW. ASK. REBLOG. HEART IT. :D
Background Illustrations provided by: http://edison.rutgers.edu/

LESSON MULA KAY BOB ONG.

Mahirap masanay sa mga bagay na pwede namang wala.

Sabi yan ni Bob Ong sa isang libro nya. At napatunayan ko yan sa limang araw na wala kaming kuryente. Walang tubig (pero naliligo naman ako salamat sa masipag naming taga-igib). Walang internet. At tipong sobrang tipid sa battery ng phone. OO MAHIRAP. Pero habang tumatagal, okay naman. Nasasanay nalang din wala naman kasing kwentang magmaktol, dun ko naisip na kaya ko naman pala, mahirap lang matulog kasi nasanay ako ng malamig, mahirap kumapa kasi sanay ako ng maliwanag. Pero habang tumatagl, natutunan ko namang mag-adjust at makalipas ang limang araw.. VIOLA!! Mas naaappreciate ko na yung bawat oras na naka-electric fan ako, na nakakaenjoy ako ng movie at nakakapag-intenet ako. Simple pero it somehow made an impact on me :)

(Marami pa kong gusto isulat at nasa isip tutal mahaba ang panahon na tumanga lang ako, pero sa mga next post nalang. Good night for now.)

How do you spell SIMPLE?

S-i-m-p-l-e mapatagalog o english yan pa din naman ang spelling diba? Kapag kasi tinatanong ko yung mga boy friends ko or kahit hindi ko kaibigan kung anong type nila sa babae, madalas nilang isagot “YUNG SIMPLE LANG.” I never cared na ipa-explain, kasi paki ko naman diba? Pero nung minsang tanungin ko ang crush ko. Shet na malagket kasi ganun din ang sagot nya. SIMPLE?!! Eh ano ba talaga ang ibig sabihin ng simple? Simpleng malandi? Simpleng maganda? Simpleng ano ba? And dami kong naisip. Kaso pag nakita or nakilala mo naman ang crush nya or type nyang babae, simple pero nakamake up? Simple pero naka-mini skirt? Simple pero magastos? Magkaiba ba kami ng pagkakaintindi sa simple? Hayyyy buhay, lasang gulay. Simple naman ako, so type mo ba ko? HAHAHAHAHHA. AMBISYOSA! Matatanggap ko pa kung sinabi nyang “yung maganda or yung sexy” yung mas specific, yung maaabot ng imagination ko at maaachieve ko. OH WELL.Sana isang araw magising ako at malaglag mula kung saan man ang sagot at ang tunay na depenisyon ng salitang “SIMPLE LANG.” Or baka simple lang din naman ang sagot dito, hindi na ko type kaya simple lang ang sagot nya, YUNG SIMPLE LANG.

FOLLOW YOUR DREAMS.

I used to just post pictures of random stuff, my crushes, foods that i want and like and JUST anything and anything. I forgot that I’m a frustrated writer, a play-writer and ahhh basta writer.

SO TODAY, GUSTO KONG SIMULANG MAGSULAT. To be able to write anything and share the world inside my head. I used to have a diary kaso tamad ako magsulat kaya ayun laging naka-hang. pero ngayon desidido na ko.. I want to SHARE my thoughts and my experiences, maybe? Who knows? Ito yung mga tanong na nasa utak ko lang, yung mga scenes na ginagawa ko inside my head, mga tanong at mga ka-gagahan ko siguro? I may have typhos, mga maling gramming (ay grammar pala), wrong spellings and things like that. May makabasa man nito o wala, who cares! Siguradong meron, AKO! HAHAHAHAHA someday babalikan ko itong first post ko and right now i’m imagining what will be my reaction? As im writing this i’m thinking about my next blog (?) or story maybe? Good bye for now. Good bye song is ON MY WAY by Boyce Avenue. Yes, I AM!

Reblogged from zodiacbrain  927 notes

The 12 Zodiac Signs Sense of Humor

zodiacbrain:

Aries: Goofy, physical humor comes most naturally. These are some of the top mimics in the Zodiac! But they are also known to be quite witty out of the blue. 

Taurus: Observational humor. They are usually unintentionally hilarious, and can take a step back and laugh at themselves too!

Gemini: Quick on the uptake, they remember jokes really well and can laugh at just

Read More